Maharlika Pilipinas Basketball League Season 2020-2021, sinuspinde!

Kinansela ng Maharlika Pilipinas Basketball League ang 2020-2021 Season nito dahil sa COVID-19 at sa isyu ng franchise renewal ng television partner nitong ABS-CBN.

Ayon kay MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, ibabalik ang laro ng MPBL sa ika-12 ng Hunyo 2021 at posibleng ganapin na lang sa iisang venue na walang audience, habang naka-quarantine sa iisang pasilidad ang lahat ng players at opisyal.

Nabatid na apat na teams na lamang ang natira sa kasalukuyang season bago ito suspindihin sa kalagitnaan ng March.


Ang MPBL ay binubuo ng 31 koponan mula sa iba’t ibang panig ng bansa kung saan defending champion ang San Juan, Davao Occidental, Makati, at Basilan.

Facebook Comments