Maharlika Wealth Fund, kailangan para lubos na mapaunlad ang ekonomiya ng Pilipinas

Iginiit ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Vice Chairperson at Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr., na kailangan ng bansa ang Maharlika Wealth Fund o MWF.

Diin ni Haresco, daan ang MWF para sa higit na maging maganda ang ating kinabukasan dahil mapapalaki nito ang kita ng Pilipinas at instrumento para makamit ang fully developed na ekonomiya.

Ayon kay Haresco, ilan lamang sa sektor ang higit na makikinabang sa MWF ay ang renewable energy, mining, tourism, transportation, at infrastructure.


Inihalimbawa rin ni Haresco ang tagumpay ng MWF sa ibang bansa tulad sa China, Middle East, Singapore, Indonesia, Vietnam, at Brunei.

Pagmamalaki ni Haresco, aabot sa Php 2.1 Trillion pesos na investible funds sa ating ekonomiya ang potential na ibunga ng MWF.

Facebook Comments