Maharlika Wealth Fund, posibleng makakuha ng suporta sa Senado

Posibleng makakuha ng suporta mula sa Senado ang Maharlika Wealth Fund matapos na alisin ng Kamara sa isinusulong na panukala ang probisyon na ang paunang pondo rito ay magmumula sa pension funds ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS).

Ayon kay Senator JV Ejercito, welcome development ang bagong ginawa ng Kamara sa isinusulong na Maharlika Investment Fund Bill.

Aniya, magiging kapareho ito ng panukala na inihain niya noong 17th Congress kung saan ipinatatag ang isang welfare fund na magmumula ang pondo sa reserves at surplus.


Tiniyak naman ni Ejercito na hindi niya susuportahan ang anumang panukala na isusugal ang paggamit sa pensyon ng mga myembro ng GSIS at SSS.

Nakatanggap ng batikos ang itinutulak na sovereign wealth fund ng Kamara mula sa iba’ibang sektor dahil ang balak na gamitin sa paunang pondo rito ay mula sa pension funds ng dalawang social insurance program ng pamahalaan.

Facebook Comments