Mahgit ₱70-M ayuda, naipagkaloob sa mga biktima ng Bagyong Paeng

Photo Courtesy: TowCen PAF

Umaabot na sa ₱71.5-M ang tulong na naipagkaloob ng pamahalaan sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nakapagbigay na ang gobyerno ng family food packs, sleeping kits, hygiene kits, hot meals, modular tent, assistance to individuals in crisis situation at iba pa.

Ayon pa sa NDRRMC ang tulong ay naibigay sa mga apektadong indibidwal sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 6, 7, 9, 10, CARAGA, CAR at NCR.


Sa pinaka-huling tala ng NDRRMC nasa kabuuang 927,822 pamilya o katumbas ng 3.1-M indibidwal ang naapektuhan ng bagyo mula sa higit 7,000 apektadong mga barangay.

Facebook Comments