
Nasabat ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang intelligence-driven Anti Criminality Checkpoint sa isang L300 na sasakyan ang dala nitong ilegal na sigarilyo sa Brgy. Tual, Picong, Lanao Del Sur.
Nakuha sa nasabing sasakyan ang 43 kahon ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 1.6 milyong piso.
Nahuli ang driver nito at isa pa nitong kasama matapos ang bigong pagpapakita ng dokumento para sa pagdadala ng nasabing produkto.
Sa ngayon ang mga suspek, ang sasakyan at ang mga nakumpiskang sigarilyo ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa isasagawang imbentaryo at pagpa-file ng kaukulang reklamo bago iturn-over sa Bureau of Customs sa koordinasyon kasama ng Criminal Investigation and Detection Group.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA 10643 o Graphic Health Warning on Tobacco.









