Siyam na informants ng Philippine National Police (PNP) ang pinagkalooban ng ₱1.825 milyon.
Ayon sa PNP, ang mga tipster na ito ang naging susi sa pagkaka aresto ng siyam na tinaguriang most wanted individuals na sangkot sa iba’t ibang krimen tulad ng murder, rape, homicide, possession of illegal firearms, at iba pa.
Pinangunahan ni Police Major General Westrimundo Obinque, Director for Intelligence, ang pagbibigay ng reward money sa mga ito sa Kampo Krame.
Nakasuot ang mga claimants ng mask upang maitago ang kanilang pagkakakilanlan bilang bahagi ng safety protocol.
Sinabi naman ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na mahalaga ang papel ng mga tipster dahil sila ang daan kung bakit naaresto ang mga kriminal na ang ilan sa mga ito ay matagal nang pinaghahanap ng batas.