Mahigit ₱25-M halaga ng marijuana, sinira ng PNP at PDEA

Pinagsisira nang pinagsanib pwersang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 106,140 fully grown marijuana plants sa 3 araw nilang operasyon sa Kalinga at Benguet.

Sa ulat na nakarating sa Kampo Krame, nuong Martes at Miyerkules, winasak ng mga otoridad ang 26,000 fully grown Marijuana plants sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga kung saan nagkakahalaga ito ng ₱7 million.

Samantala, nitong Huwebes naman, sinunog ng mga otoridad ang 65,000 fully grown marijuana sa 9,000 ektaryang taniman nito sa kaparehong barangay kung saan nasa halos ₱15 million ang halaga nito.


Sa iba pang operasyon ng PNP at PDEA sa Kalinga, winasak at sinunog nila ang iba pang taniman ng Marijuana kung saan nasa mahigit P3M ang street value nito.

Kasunod nito, nangako ang PNP at PDEA Cordillera na magpapatuloy ang kanilang operasyon upang tuluyang masawata ang Marijuana sa rehiyon.

Facebook Comments