Mahigit ₱4-M na halaga ng shabu mula USA, nasabat sa isang warehouse sa NAIA complex

Aabot sa mahigit apat na milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs-Port of NAIA at NAIA- Philippine Drug Enforcement Agency – Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (PDEA-IADITG) sa isang warehouse sa NAIA complex sa Pasay City.

Ayon kay PDEA NAIA – IADITG Chief Gerald Javier, ang naturang parcel ay idineklarang mga laruan at regalo na ipinadala ni Marry Ann Acosta ng 1736 E. Charleston Boulevard, Las Vegas, Nevada, USA.

Naka-consign naman ang parcel sa isang Andrea M. Cuevas ng Phase 3 Brgy. Santa Monica, Hagonoy, Bulacan.


Ayon kay Javier, natuklasan ang parcel na naglalaman ng 600 grams ng shabu nang dumaan ito sa random inspection at K9 sweeping operation sa isang cargo warehouse sa NAIA Complex.

Ang naturang illegal drugs ay nai-turnover na ng Bureau of Customs sa PDEA para sa karagdagang pagsusuri nito.

Facebook Comments