Mahigit ₱40 milyong tulong, naipamahagi sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Bicol

Tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ngayon ng Bulkang Mayon.

Batay sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of June 18 ay umakyat na sa higit ₱48-M ang halaga ng relief assistance na naipamahagi na sa mga apektadong residente.

Katuwang dito ang kagawaran ng mga lokal na pamahalaan, Non-governmental Organizations (NGOs) at iba pang partner ng DSWD.


Kabilang sa naabutan ng ayuda ang mga residente mula sa 26 na apektadong barangay sa lalawigan ng Albay.

Sa kasalukuyan, nananatili naman sa higit 5,000 pamilya o katumbas ng 18,892 na indibidwal ang nasa evacuation centers.

Aabot na rin sa higit 38,000 indibidwal ang apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon.

Facebook Comments