Timbog ang dalawang babae na tulak umano ng ipinagbabawal na droga sa Taguig City, matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila.
Nakilala ang mga suspek na sina Allysa Karim Silongan at Liberty Cahanding Calibho, parehong mga nasa hustong gulang na.
Nakuha mula sa kanila ang 60.5 grams na hinihinalang shabu na may katumbas na halaga na ₱411,400.
Maliban sa iligal na droga, narekober din ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money at ang isang cellphone na hinihinalang naglalaman ng mga contact numbers ng kanilang mga parokyano at distributor ng iligal na droga.
Ginawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng C-6 Road Purok-6 Original, Lower Bicutan, ng mashing lungsod pasado alas-9:00 kagabi.
Nakakulong na ang dalawang babaeng suspek Taguig City Police Station custodial facility at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.