Friday, January 16, 2026

Mahigit ₱44-M halaga ng hindi rehistradong appliances at smuggled na sigarilyo, nasamsam ng PNP sa Bulacan at Zamboanga Sibugay; 7 indibidwal naaresto

Nasamsam ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ang mahigit ₱44 milyong halaga ng hindi rehistradong appliances at smuggled na sigarilyo.

Una na rito ang pagkasamsam ng tinatayang ₱43.7 milyong halaga ng mga hindi rehistradong TIXX brand appliances kagaya ng gas stoves, air fryers at water despensers sa dalawang bodega sa Bulacan.

Dahil dito naaresto ang limang indibidwal kabilang ang isang Chinese national kung saan nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Consumer Act of the Philippines.

Samantala, nakasamsam rin ang mga operatiba ng 18 master cases at 83 reams ng smuggled cigarettes at isang bangkang de motor na nagkakahalaga ₱1.12 milyon sa Zamboang Sibugay na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal.

Sa ngayon ang mga suspek ay nahaharap sa mga kaukulang kaso habang ang mga narekober na ebidensya ay nasa kustodiya ng PNP.

Facebook Comments