Mahigit ₱6-M halaga ng iligal na droga, narekober sa mga abandonadong parcel sa Pasay City

Aabot sa mahigit 6 na milyong pisong halaga ng iligal na droga ang narekober ng Bureau of Customs (BOC) at NAIA PDEA-IADITG sa isang warehouse sa NAIA Complex sa Pasay City.

Ang naturang illegal drugs ay mula sa 19 na abandunadong parcel mula sa iba’t ibang bansa na tangkang ipasok sa Pilipinas.

Kabilang sa laman ng parcel ang 3,702.36 grams ng marijuana at 577 ml ng hinihinalang marijuana oil.


Hawak na ng NAIA PDEA-IADITG ang mga nasamsam na droga para sa tamang dokumentasyon at disposition.

Facebook Comments