Mahigit ₱703-M na fuel subsidy, naipamahagi na ng LTFRB

Umabot na sa 108,164 ang mga nakatanggap na ng ₱6,500 na fuel subsidy.

Ito’y magmula nang magsimulang ang pamamahagi ng nasabing fuel subsidy noong ika-15 ng Marso, 2022.

Ikinalugod naman ito ng mga drivers at operators sa pagsabing malaking tulong ito sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa merkado.


Umaasa ang mga benepisaryo na magkaroon pa ng mga susunod na subsidiya ang gobyerno.

Paalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga drivers at operators, ang halaga na kanilang matatatanggap ay maaari lamang gamitin para sa pagbili ng kailangan nilang krudo.

Patuloy ang LTFRB sa pag-proseso ng fuel subsidy sa iba pang mga benepisyaryo sa tulong ng LandBank of the Philippines.

Facebook Comments