Kasabay nang patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay, tuloy-tuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda sa mga apektado Albayano.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umaabot na sa P71.5-M na halaga ng tulong ang naipaabot ng pamahalaan.
Ang ayuda ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of Civil Defense (OCD) at Non-government organizations (NGO).
Kasama sa mga tulong na ibinigay ay mga family food packs, hygiene kits, tubig, family tent, sleeping kits, modular tents, portable water filtration unit at maraming iba pa.
Mayroon ding ipinamahagi na 200 sako ng hog grower feeds.
Samantala, nagkaloob din ang gobyerno ng cash at financial assistance sa ilang mga residente.
Nabatid na nananatili sa Alert Level 3 ang status ng Bulkang Mayon na ang ibig sabihin ay may mataas na posibilidad na magkaroon ng “hazardous eruption” sa mga susunod na araw o linggo.