Lumobo pa sa ₱8.745 milyon ang iniwang pinsala ng pinagsama samang epekto ng southwest monsoon, Bagyong Butchoy at Carina sa sektor ng agrikultura sa ilang rehiyon sa bansa.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa halos 800 mangingisda at magsasaka mula sa Regions 6, 9, 10 at BARMM ang naapektuhan ang kabuhayan.
Samantala, nasa P700,000 naman ang iniwang pinsala ng sama ng panahon sa imprastraktura sa Regions 10, 11, 12 at BARMM.
Habang umaabot na sa P2.5-M ang iniwang pinsala sa kabahayan mula sa mga nabanggit na rehiyon.
167 na tahanan ang partially damaged habang 69 naman ang totally damaged.
Nakapagtala din ng personal assets damaged sa Region 11 na umaabot ng P100,000 ang halaga.
Sa tala ng NDRRMC, nasa tatlong siyudad at munisipalidad sa Regions 11 at 12 ang nagdeklara na ng state of calamity.