Mahigit ₱90-M, ilalabas ng DA bilang pautang sa mga magsasaka at mangingisda na sinalanta ni Bagyong Ambo

Nakahanda na ang inisyal na ₱90.5-million ng Department of Agriculture (DA) bilang pautang sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa 11,500 magsasaka at mangingisda na apektado ni Bagyong Ambo sa Luzon at Eastern Visayas.

Inaasahan pang tataas ang bilang ng mga benepisyaryo dahil hindi pa tapos ang validation sa ibang lugar na apektado ng kalamidad.

May ₱700-million Quick Response Fund (QRF) ang DA para ayudahan ang mga apektado ng bagyo.


Base sa huling ulat ng DA, sumipa pa sa ₱1.14-billion ang halaga ng pananim at pangisdaan na sinira ng nagdaang bagyo.

Matindi ang pinsala sa mga pananim na saging, papaya at mga gulay na abot sa ₱793-million.

Sinundan ng palay at mais na may combined damage na ₱301.7-million, fisheries sub-sector na nagkakahalaga ng ₱25.5-million at livestock sector na abot sa ₱23.4-million.

Facebook Comments