Mahigit ₱1-B halaga ng shabu, nasabat ng pdea sa Angeles City, Pampanga

Umaabot sa ₱1,054,000,000.00 na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng PDEA Intelligence Service; PDEA Regional Office-National Capital Region at PDEA Regional Office III; sa suporta ng AFP-Counterintelligence Group, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at ng Philippine National Police (PNP) makaraang magpatupad ng search warrant sa loob ng tahanan ng Orchid Street, Timog Hills Subdivision, Barangay Pampang, Angeles City, Pampanga.

Sabi ni PDEA Undersecretary Director General Isagani Nerez sinalakay ang isang bahay sa Orchid Street, timog Hills Subdivision, Barangay Pampang, Angeles City, Pampanga na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mahigit isang bilyong pisong halaga ng shabu.

Pero natuklasan na ang naturang bahay ay inabandona at ang subject ng search warrant na isang Chinese national ay nakatakas.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isasampa laban sa Chinese national.

Facebook Comments