
Abot sa ₱108 million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang ikinasang buy-bust operation sa CARAGA region.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa dalawang hinihinalang lalaking drug personalities na kinilalang sina alyas na Pao-pao at alyas OM.
Isinagawa ang operasyon sa Purok 1, Barangay Sta. Irene, Bayugan City.
Narekober ng mga awtoridad ang kabuuang 16 na self-sealing plastic bag ng methamphetamine, na itinago sa loob ng packaging ng isang courier service.
Sa mga nakumpiskang gamit, dalawang kilo ang buy-bust items, habang 14 kilo ang nakuha sa aktuwal na pag-iingat ng mga arestado.
Bukod dito, narekober din ang limang digital weighing scale, isang glass pipe, iba’t ibang packaging materials, at buy-bust money, kasama ng mga communication device na pinaniniwalaang ginamit sa operasyon ng mga suspek.