Mahigit ₱100K na shabu, nasamsam sa Pasig City; mga suspek, arestado

Timbog ang dalawang lalaking tulak umano ng ilalagay na droga sa Pasig City matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila pasado ala-1:00 kaninang madali ng araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Rogelio Patag Dajoya, 40-anyos, at Christian Rodriguez Cochesa, 33-anyos, na parehong kasama sa drug watch list ng Pasig Police.

Nakuha mula sa kanila ang 25 grams na hinihinalang ilegal na droga na may katumbas na halagang ₱170,000 at ang perang ₱500 na ginami bilang buy-bust money.


Ginawa ang nasabing opersyon sa kahabaan ng Pascua Street, Barangay Bagong Ilog na pinangunahan ng mga operatiba ng Pasig Police Station Drug Enforcement Unit.

Nakakulong na ang dalawang suspek sa Custodial Facility ng Pasig Police Station at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments