Mahigit ₱13 bilyong halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa Batangas

Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang ₱13.3-B halaga ng shabu sa Alitagtag, Batangas kaninang pasado alas-8 ng umaga.

Sa ulat ng Alitagtag Municipal Police Station na nakarating sa Camp Crame, nakumpiska sa suspek na si Ajalon Michael Zarate, residente ng Proj. 4, Masagana, Quezon City ang mga ipinagbabawal na gamot.

Nabatid na nadiskubre sa minamaneho nitong Foton passenger van na may plakang CBM5060 ang humigit kumulang dalawang tonelada ng shabu habang iniinspeksyon ito sa checkpoint sa Batangas.


Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng follow up operations ang PNP upang matukoy ang pinanggalingan at pagdadalhan ng iligal na droga.

Ito na ang pinaka- malaking huli ng PNP.

Facebook Comments