Mahigit ₱13-M halaga ng shabu, nasabat ng mga awtoridad sa Zamboanga City

Nagsagawa ang Naval Forces Western Mindanao katuwang ang Philippine National Police Regional Drug Enforcement Unit ng joint law enforcement operation at anti-illegal drugs buy-bust operation sa Tumaga-Putik Road, Barangay Tumaga sa Zamboanga City.

Ayon kay Lt. Chester Ross Cabaltera, Acting Public Affairs Officer ng Naval Forces Western Mindanao, nagresulta ang operasyon sa pagkakasabat ng ₱13.6 million halaga ng shabu at pagkakaaresto ng tatlong indibidwal.

Kabilang sa mga naaresto ang isang babae at lalaki kasama ang isang lola.


Nasa kustodiya na ng Regional Forensic Unit ang mga nasabat na droga para sa quantitative and qualitative analysis habang ang mga suspek ay kasalukuyang nakadetine sa Zamboanga City Police Office.

Facebook Comments