Mahigit ₱133 milyong halaga ng hinihinalang cocaine, narekober sa baybayin sa Palawan

Nasabat ng mga operatiba ng Linapacan Municipal Police Station, Provincial Police Drug Enforcement Unit, at Provincial Intelligence Unit ang mahigit ₱133 milyong halaga ng hinihinalang cocaine sa baybayin ng Linapacan, Palawan.

Isang tawag mula sa residente ng Brgy. Maroyog-royog, Linapacan ang natanggap ng mga operatiba, kung saan isang nagngangalang “Benjo” ang nakadiskubre ng nasabing hinihinalang ilegal na droga.

Narekober ng mga pulis ang ilang kahong binalot ng itim na tape at may markang “STONE,” kung saan nasa 25,210 gramo ang kabuuang bigat ng narekober na hinihinalang ilegal na droga.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ito ng Palawan Provincial Forensic Unit at isusumite sa PDEA Palawan Office para sa tamang disposisyon.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pasasalamat si Acting Chief Philippine National Police (PNP) PLTGEN. Nartatez dahil sa mabilis na aksyon ng komunidad sa nasabing insidente.

Facebook Comments