Mahigit ₱1B, pakakawalan ng Pasig City Government para sa Supplemental SAP sa Pasig City

Inihayag ng pamunuan ng Pasig City Government na umaabot sa mahigit isang bilyong piso na Supplemental Social Amelioration Program ang inilabas ng Treasurer’s Office para ipamamahagi sa mga hindi nakatanggap ng SAP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto bibigyan ng tig-8,000 pesos ang mga bigong nakakuha ng ayuda mula sa SAP na ipinamamahagi naman ng DSWD.

Paliwanag ng alkalde, tapos na aniya ang pamamahagi ng ayuda mula sa DSWD kung saan 93,000 lamang mula sa 250,000 na residente ang nabigyan kaya gumagawa siya ng paraan na mabigyan lahat ng mga residente na nawalan ng trabaho dahil sa ipinatutupad na ECQ.


Dagdag pa ni Mayor Vico, ang limang mga maliliit na barangay ang kanilang bibigyan ng Supplemental SAP ang Brgy. Malinao, San Antonio, Sagad, Sta. Rosa at Barangay Buting sa Pasig City.

Umapila ang alkalde sa mga residente na huwag ng lumabas sa kanilang mga bahay dahil aabutan naman sila ng ayuda mula sa Pasig City Government.

Facebook Comments