Mahigit ₱2-M halaga ng pinaghihinalaang shabu, nasabat sa dalawang drug pusher sa Las Piñas City

Ibinida ni Southern Police District (SPD) District Director BGen. Jimili Macaraeg na umaabot sa humigit kumulang 300 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱2,040,000 ang nakumpiska sa dalawang pinaghihinalaang shabu sa isinagawang buy -bust operation ng mga operatiba ng Las Piñas City Police Station Drug Enforcement Unit sa Zapote River Drive Barangay Zapote, Las Piñas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Charmaine Ann Escarlan, 28 anyos at Airene Ramos, 26 anyos.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Las Piñas Philippine National Police (PNP), nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Las Piñas City Police Station Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek kung saan nakumpiska ang humigit kumulang 300 gramo na nagkakahalaga ng ₱2,040,000 at isang kulay maroon shoulder bag.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments