Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang limang Chinese nationals matapos makumpiska sa mga ito ang ₱201-M na halaga ng pekeng Crocs at Havaianas sa dalawang araw na operasyon sa Bulacan.
Una nang nahuli sa aktong pagbebenta ng pekeng Crocs sandals sina Lin Chang Jiang, 33; Wu Gu Ding, 60; at Chu Jen Huang, 64; sa King Sport Property Compound, Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan, nitong Lunes.
Nakuha sa kanila ang 1,311 sako na naglalaman ng 62 libong pares ng pekeng Crocs na nagkakahalaga ng ₱180-M.
Nahuli naman sa follow-up operation kahapon sa Warehouse No. 3, Duhat Road, Barangay Duhat, Bocaue, Bulacan sina Shuzhen Wang, 27; at Zhengfeng Lin, 37 dahil sa pagbebenta ng mahigit ₱1-M halaga ng pekeng Crocs.
Narekober din ng mga operatiba sa naturang warehouse ang ₱20-M halaga ng pekeng Havaianas, Nike, at Adidas footwear.
Sa ngayon, tinutugis na ng CIDG ang supplier ng mga pekeng produkto bilang bahagi ng kanilang ‘Oplan Megashopper.’