Mahigit ₱200,000 paunang ayuda, naipagkaloob sa mga biktima ng lindol

Nasa ₱207,988.00 ang paunang tulong ang naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng lindol partikular sa Region 2 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagbigay ang gobyerno ng financial aid, sleeping kits, assitance to individuals in crisis situation at family food packs.

Ayon pa sa NDRRMC, ang datos ay tataas pa sa mga susunod na araw habang kinukumpleto nila ang mga detalye mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan na umaasiste sa mga biktima ng lindol.


Sa pinakahuling tala ng NDRRMC nasa kabuuang 18,478 na pamilya o katumbas ng 61,514 na mga indibidwal mula sa Region 1 at CAR ang apektado ng lindol kung saan 44 ang kumpirmadong nasaktan.

Facebook Comments