Mahigit ₱22 billion, inaprubahan ng PEZA para sa EZI sa first half ng 2022

Iniulat ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na pumalo sa ₱22.488 billion ang inaprubahang Economic Zone Investments (EZI) sa first half ng taong 2022.

Ayon kay PEZA Officer-in-Charge Tereso Panga, nagmula ito sa 90 bago at expansion projects na may projected annual export sales na nagkakahalaga ng 747.093 million US Dollars.

Inaasahan din aniyang lilikha ito ng 14,354 direct employment.


Ang mga bansang nangunguna sa pamumuhunan ay ang Japan, Singapore, USA, United Kingdom at The Netherlands.

Nananatiling top investor sa first half ang Japan na may mahigit walong bilyong pisong investments habang sumunod ang Singapore na may 2.169 billion pesos.

Samantala, ang top-performing region kung saan matatagpuan ang investments ay ang CALABARZON na may 10.399 billion pesos at top-improving regions ang Eastern Visayas, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at CARAGA.

Ipinaliwanag ni Panga na sa kabila ng 29.85 percent na pagbaba ng investments mula Enero hanggang Hunyo kumpara sa nagdaang taon, patuloy na lumalago ang export income at employment.

Facebook Comments