Mahigit ₱25-M na tulong, naipagkaloob ng pamahalaan sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Umabot na sa P25.6-M na halaga ng tulong ang naipaabot ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ang ayuda ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of Civil Defense (OCD) at non-govt organizations.

Kasama sa mga tulong na ibinigay sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Mayon ay mga family food packs, hygiene kits, tubig, family tent, sleeping kits at iba pa.


Kahapon, muling nagpadala ang OCD ng tulong sa mga apektadong residente tulad ng tarpaulin rolls, N95 face masks, family food packs, hygiene kits, pelican cases at portable water filtration unit.

Ayon kay Civil Defense Administrator and National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno patuloy silang magkakaloob ng tulong at suporta sa ating mga kababayan.

Nabatid na nakataas sa Alert Level 3 ang status ng bulkang Mayon dahil sa abnormalidad nito.

Facebook Comments