Sa loob lang isang araw ay na-encash at naipambayad ang tseke na nagkahalaga ng 37.5 million pesos na confidential funds ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Nabunyag ito sa ika-anim na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Manila 3rd District Representative Joel Chua.
Nakita ito sa ipinrisinta ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez na mga acknowledgment receipt na isinumite ng OVP at DepEd sa Commission on Audit.
Lumalabas na noong February 2023, matapos ma-encash ang ₱37.5 million na tseke ay agad itong ginastos sa pitong magkakaibang lugar sa loob lang umano ng isang araw ni Edward Fajarda na siyang Special Disbursing Officer ng DepEd.
Kabilang sa pitong lugar ang Malolos, Davao, San Francisco, Agusan del Sur, Makati City, Negros Oriental, Negros Occidental, at Davao City.
Binanggit din ni Gutierez na noong Marso 15, 2023 ay nakapagbayad si Fajarda ng 26 na beses sa iba’t ibang probinsya sa Luzon, Visayas at Mindanao.