Mahigit ₱400-B, mawawala sa kita ng pamahalaan kung tatagal ng 5 taon ang suspensyon ng reclamation projects

Inihayag ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na aabot sa P432 bilyon ang mawawalang kita sa buwis ng gobyerno kung tatagal ng limang taon ang suspensyon sa mga reclamation project.

Sa pagdinig ng kanyang komite ay ipinaliwanag ni Salceda na malaki ang ambag ng mga reclamation project sa ekonomiya ng bansa dahil bukod sa makokolektang buwis ay lilikha rin ng trabaho ang mga negosyong itatayo rito.

Diin pa ni Salceda, ang reclamation ay isang “standard practice” na ginawa ng malalaking siyudad sa buong mundo.


Magugunitang noong Agosto ay pinasuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nasa 22 reclamation projects kasama ang tatlong proyekto sa Manila Bay na nasimulan na.

Facebook Comments