Umaabot na sa mahigit ₱425-M ang tulong na ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga naayudahan ang mga apektadong residente mula sa CALABARZON, MIMAROPA at Region 6.
Kabilang sa mga ipinagkaloob sa mga ito ay ang mga face mask, pagkain, tubig, bitamina, hygiene kits, PPE, gamot at maraming iba pa.
Nakapagbigay na rin ang gobyerno ng cash for work para sa mga manggagawa na naapektuhan ang trabaho na umaabot sa higit ₱12-M.
Sa ngayon, umaabot na sa 40,733 pamilya o katumbas ng halos 200,000 indibidwal ang naapektuhan ng oil spill mula sa 249 mga barangay sa CALABARZON, MIMAROPA at Region 6.
Facebook Comments