Naglaan ng ₱416 milyon na pondo ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa mga school supplies na ipapamahagi sa mga bata sa lungsod ilang araw bago ang pasukan sa pampublikong paaralan.
Ilan sa mga school supplies na ito ay mga notebooks, school bags at PE uniforms.
Ayon kay Schools Division Superintendent Rita Riddle, ang mga notebooks ay ipinamimigay nang libre sa mga Kinder hanggang Grade 12.
Habang ang PE uniforms ay para naman sa Grade 1 hanggang Grade 12.
Ang school bags ay para naman sa mga Kinder hanggang Grade 2.
Ayon kay Riddle, sa oras na sila ay tapos nang makapag-enroll agad na makukuha ng mga bata ang kanilang school supplies sa paaralan.
Dagdag pa nito na nasa 60 percent o mahigit 100,000 na ng mga bata ang nagpa-enroll sa Maynila.
Inaasahan naman Manila Local Government Unit (LGU) na hanggang sa pagbubukas ng klase ay papalo sa 300,000 ang enrollees o mag-aaral nila sa public school.