Mahigit ₱6-M halaga ng shabu, nasamsam sa pinagsanib na operasyon ng PDEA at PNP sa Lapu Lapu City

Umaabot sa ₱6,800,000 ang halaga ng shabu ang nakumpiska ng pinagsanib na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa isang 30-anyos na hinihinalang tulak sa iligal na droga at residente ng Barangay Guadalupe, Cebu City.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas Daryl, 30 anyos, residente ng Barangay Guadalupe, Cebu City.

Ayon kay PDEA 7 Acting Regional Director. II Alex M. Tablate, nagsagawa ng buy-bust operation sa Sitio Camansi, Barangay Pajo, Lapu Lapu City ang mga operatiba ng PDEA 7 Regional Special Enforcement Team kasama ang PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit 7, Lapu Lapu City Police Office Station 3, Lapu Lapu City Police Office – City Intelligence Unit/City Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang hinihinalaang drug pusher.

Narekober sa suspek ang vacuum-sealed na plastic pack na naglalaman ng shabu na tinatayang tumitimbang ng 1,000 gramo at may tinatayang halagang ₱6,800,000 buy-bust money, isang cellphone, at iba pa.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments