Mahigit ₱62.5-M tulong naipagkaloob sa mga apektado ng shearline sa Caraga at Davao Region

Tuloy-tuloy sa pagbibigay ng tulong ang pamahalaan sa mga apektadong indibidwal ng sama ng panahon bunsod ng shearline sa CARAGA at Davao region.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), nasa ₱62.5-M na ang halaga ng tulong ang naipagkaloob sa mga apektadong pamilya.

Kabilang sa mga ayudang ibinigay ay family food packs, family kits, hygiene kits, jerry cans, modular tents, sleeping kits at mga gamot.


Samantala, nasa 173,875 na pamilya o katumbas ng 768,387 na indibidwal ang apektado ng sama ng panahon mula sa 449 na mga brgy sa Region 11 at CARAGA.

Sa nasabing bilang nasa halos 3000 katao parin ang pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang mga evacuation centers.

Facebook Comments