Pumalo na sa mahigit ₱750 million ang halaga ng naitalang pinsala ng mga nagdaang bagyo sa imprastraktura.
Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ₱290 million ang halaga ng mga nasirang kalsada, mahigit ₱14 million sa pinsala sa mga tulay habang mahigit ₱446 milion ang danyos sa mga flood control structures.
Samantala, sa ngayon ay nasa 21 kalsada pa sa Luzon ang hindi madaanan dahil sa epekto ng paghagupit ng Bagyong Nika, Ofel at Pepito.
Ito ay mula sa Ilocos Norte, Apayao, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Isabela, Cagayan, Quirino Province, at Aurora.
Karamihan ay dahil sa lubog pa rin sa baha, gumuhong lupa, at mga bumagsak na puno.
Facebook Comments