Mahigit ₱78 million, nawawalang kita ng mga mangingisda kasunod ng Bataan oil spill

Inanunsyo ng Department of Agriculture o DA na umabot na sa ₱78.69 milyong ang nawalang kita ng mga mangingisda kasunod ng ipinatupad na fishing ban sa mga karagatang apektado ng oil spill sa Bataan.

Batay sa inilabas na incident report ng DA, nasa higit 28,000 na ring mangingisda ang na-validate na apektado ng malawakang pagtagas ng langis sa karagatan bahagi ng Bataan, na umabot na sa Ternate, Tanza, Noveleta, at Rosario, Cavite.

Paliwanag pa ng DA may katumbas itong 5,810 na apektadong bangkang pangisda, kung saan ay nagpapatuloy pa rin ang mahigpit na koordinasyon ng DA sa mga Local Government Unit (LGU) at iba pang government agency para agad matugunan ang oil spill.


Kabilang pa rin dito ang coastal clean-up at monitoring, pagbuo ng mga spill boom, at sensory evaluation sa mga nahuhuling isda.

Inihahanda na rin ng DA ang fuel subsidy at mga ipapamahaging seedlings at fiberglass boats sa mga mangingisda sa lugar.

Facebook Comments