Mahigit ₱800,000 na halaga ng shabu, nasabat ng QCPD sa Kamuning

Aabot sa 120 grams ng shabu na nagkakahalaga ng ₱816,000 ang nasabat ng Galas Police Station 11 sa Barangay Kamuning, Quezon City.

Kinilala ang suspect na si alyas “Gilbert,” 46 years old at residente ng Barangay Sto. Niño, Quezon City.

Naaresto ang suspek sa 4th St., Barangay Kamuning, Quezon City matapos magbenta ng shabu na nagkakahalaga ng ₱5,500 sa isang police poseur buyer.

Narekober din sa suspek ang cellular phones, black pouch at buy-bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments