Namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte ng mahigit ₱95 milyong halaga ng tulong sa iba’t ibang sektor noong Lunes bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-208 anibersaryo ng lalawigan.
Kabilang sa ipinagkaloob ang 277 yunit ng kagamitang pang-agrikultura at pangisdaan, gaya ng hand tractors at motorized boats, na tinanggap ng 759 magsasaka at mangingisda na nagkakahalaga ng ₱2.95 milyon.
Tumanggap din ng ₱700,000 na tulong pangkabuhayan ang mga maliliit na negosyante, habang ₱3.37 milyon naman ang inilaan para sa mga tricycle operator at driver.
Bukod dito, isang pick-up vehicle mula sa Office of the President ang ipinagkaloob upang palakasin ang disaster response at serbisyong pang-emergency ng lalawigan.
Facebook Comments








