Mahigit 1.3-M na katao, lumahok sa 2-day rally ng INC ayon sa NCRPO

Umabot sa 1.3 milyon ang mga indibidwal na nakiisa at lumahok sa 2-day rally ng Iglesia ni Cristo at ng ilan pang religious group.

Ayon sa NCRPO, generally peaceful naman ang nangyaring programa at pagkilos ng grupo at karamihan sa mga nakiisa ay hindi na umuwi at doon na lamang nagpalipas ng gabi.

Kahapon, nagsagawa si Aberin ng aerial reconnaissance sa bisinidad ng Luneta at Quirino Grandstand para sa operational control at assessment ng crowd concentration.

Samantala, sa Independent Commission for Infrastructure, sinabi ng Southern Police District na mananatili sa labas ng compound ang 45 na pulis para magbantay sa posibleng kilos-protesta ng iba pang grupo.

Facebook Comments