Mahigit 1.3 million doses ng Moderna vaccines, dumating na sa bansa

24

Dumating na sa bansa ang 1,353,800 doses ng Moderna vaccines mula sa COVAX facility.

Ang naturang mga bakuna na lulan ng China Airlines ay bahagi pa rin ng binili ng pamahalaan ng Pilipinas.

Kabilang sa sumalubong sa pagdating ng bakuna sina Dr. Teodoro Herbosa ng NTF-OPAPP,
Zuellig Pharma Representative Janette Jakosalem, Dir. Ariel Valencia ng Department of Health (DOH), US Embassy Representative Ned O’Brian at Sec. Carlito Galvez ng NTF-OPAPP.


Kinumpirma rin ni Galvez ang mga freezer na donasyon ng Amerika at ng Japanese government sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur.

Ito ay matapos na masunog ang imbakan ng mga bakuna sa nasabing lugar kung saan 100,000 doses ng COVID-19 vaccines ang nasira.

Facebook Comments