Mahigit 1.5 milyong indibidwal, nakapagpaturok na ng 2nd booster shot ayon sa DOH

Aabot na sa mahigit 1.5 milyong healthcare workers, senior citizens at immunocompromised individuals o mga may comorbidities ang nakapagturok na ng
kanilang second booster shot.

Ayon kay Department of Health – Officer-in-Charge (DOH-OIC) Maria Rosario Vergeire, nasa 71.9 milyong Pilipino ang fully vaccinated na kontra COVID-19 hanggang nitong Agosto 8.

Sa nasabing bilang, mahigit 9.7 milyon ang adolescents at 4.2 milyon naman ang mga bata.


Habang, pumalo na sa 16.6 milyon ang nabigyan na ng unang booster dose.

Kaugnay nito, nanawagan si Vergeire sa mga magulang at guardians na pabakunahan na ang mga bata kasunod ng nalalapit na pagsisimula ng klase sa Agosto 22.

Facebook Comments