
Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang ilang mga unregistered food and beverages na produkto sa kinasang operasyon sa isang warehouse sa Brgy. San Pablo Libutad, San Simon, Pampanga.
Naganap ang nasabing operasyon matapos magbigay ng tip ang isang informant patungkol sa umano’y pagbebenta ng mga FDA-unregistered na mga produkto nito.
Kung saan nakumpirma rin ng mga awtoridad na ang nasabing warehouse ay nagsasagawa ng large-scale manufacturing nang walang tamang pagrehistro sa FDA.
Narekober sa nasabing warehouse ang mahigit isang libong cases ng energy drinks at mahigit 3 libong kahon ng mga chocolate milk drinks na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 1.6 milyong piso.
Dahil dito,naaresto ang 5 chinese nationals na may koneksyon sa iligal na pagmamanufacture at pagdidistribute ng mga nasabing unregistered products habang ang isa pang indibidwal na sangkot sa operasyon ng warehouse ay nananating “at large.”
Kaugnay nito, nahaharap sa mga kaukulang kaso ang mga nasabing naaresto habang ang mga nasamsam na mga produkto ay nasa ilalim ng temporary safekeeping habang hinhintay ang tamang legal proceedings.










