Friday, February 20, 2026

Mahigit 1.9 milyong pisong halaga ng hinihinalang substandard na mga computers at cellphones sa Zamboanga Sibugay, nasamsam ng CIDG; babaeng suspek, naaresto

Matagumpay na naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Zamboanga Sibugay Provincial Field Unit, kasama ang mga personnel ng National Telecommunications Commission (NTC) Regional Office 9, ang nasa ₱1.9 milyong halaga ng hinihinalang substandard na mga computer at cellphone sa Brgy. Poblacion, Ipil, Zamboanga Sibugay.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa babaeng suspek na si alyas “Cara,” 20 taong gulang.

Nakumpiska sa kanya ang 35 unit ng iba’t ibang cellular phone, 10 tablet, at 2 laptop computer kung saan ang mga ito ay hindi aprubado ng NTC.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng CIDG sa publiko na patuloy nitong ipatutupad ang batas para protektahan ang lahat ng consumer laban sa mga lumalabag at kriminal.

Tinawag din ng grupo ang atensyon ng publiko na maging maingat sa pagbili ng mga produkto at i-report agad sa awtoridad ang lahat ng ilegal na aktibidad sa kanilang mga lokalidad.

Facebook Comments