Umabot sa 1.22 milyong pamilya ang nakinabang sa inilunsad ng Kadiwa stores ng gobyerno.
Batay ito sa ulat ni Office of the Press Secretary Cheloy Garafil sa harap nang pagsisikap ng pamahalaan na matiyak ang food security sa bansa.
Ayon kay Garafil, batay sa year-end-report ng Marcos administration hanggang nitong of Nobyembre, P418 milyon ang kinita sa 19,383 Kadiwa selling activities.
Dahil dito, nakinabang dito ang mahigit 1 milyong pamilya at 450 na farmers cooperatives at associqtions at agri-fishery enterprises nationwide.
Plano naman ng pamahalaan na ituloy ang Kadiwa program kahit matapos na ang holiday season.
Batay sa ulat ng Malacañang, mayroong P15 milyon ang kita ng Kadiwa stores ngayong holiday season.
Una nang inilunsad ng pamahalaan ang Kadiwa program upang matulungan ang Pilipino sa tumataaas na presyo ng mga pangunahing bilihin at matungan ang magsasaka at mangingisda.