Mahigit 1 milyong halaga ng Marijuana mula U.S., nasabat sa Pasay City

Aabot sa mahigit isang milyong pisong halaga ng strain ng Marijuana (Kush) ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Mail Exchange Center sa Domestic road sa Pasay City.

Nasabat ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter- Agency Drug Interdiction Task Group Operatives (IADITG) ang isang parcel na nakapangalan sa Vision Tunnel ng 1021 Woodside Road, Apartment 8, Redwood City, California USA at idineklarang streetwear kung saan nakasilid ang Kush o Marijuana.

Naka-consign naman ang nasabing parcel kay Patrick Rayat ng Bolinao, Pangasinan.


Ayon sa NAIA-PDEA, ang naturang package na naglalaman ng Marijuana na may bigat na 940 gramo at aabot sa P1.5 milyon ang halaga.

Ang mga nasabing iligal na droga ay nai-turn over na ng BOC sa PDEA para sa tamang disposition.

Facebook Comments