Mahigit 1 milyong kabataan na wala pang isang taong gulang sa bansa, hindi pa nababakunahan

Sa budget briefing ng Kamara ay inihayag ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na dahil sa pandemya ay umabot na sa mahigit isang milyong kabataan na wala pang isang taong gulang sa bansa ang hindi pa nababakunahan.

Ayon kay Vergeire, napag-usapan nila ito ng UNICEF at lumalabas na kasama ang Pilipinas sa lowest 10 na may pinakamababang immunization para sa mga bata sa buong mundo.

Diin ni Vergeire, bilang tugon ay may mga estratehiya na silang inilatag tulad ng supplemental immunization activities at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang medical at pediatric societies.


Giit ni Vergeire, mahalagang maakahabol sa bakunahan ang mga bata lalo na’t may banta ngayon ng measles outbreak.

Facebook Comments