Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit isang milyong katao ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa patuloy na vaccination rollout sa probinsya, as of January 21, 2022, mayroon ng 1,001,699 indibidwal ang nabakunahan ng first dose o katumbas ng 91.9 porsyento.
Dumami naman sa 884,069 na Isabelino ang nakatanggap ng kumpletong bakuna o maituturing na ‘fully vaccinated’.
Nasa 62.4% naman sa total population ng probinsya ngayong 2022 ang nabakunahan na kontra covid-19 91.9% sa 70% na target 2022 population.
Umabot na rin sa 88% ang vaccination consumption ng probinsya.
Ang mga naturang datos ay maliban pa sa vaccination activity ng Santiago City.
Facebook Comments