Inanunsyo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sisirain sa Huwebes, October 15, ang mga ilegal na droga na nasa kanilang kustodiya.
Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, naghahanda na sila para wasakin ang isang toneladang droga sa kanilang destruction site sa Trece Martires, Cavite.
Ito’y bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na wasakin sa loob ng isang linggo ang mga nakukumpiskang illegal drugs para maiwasang mai-recycle ang mga ito.
Nauna nang sinabi ni PDEA Chief Director General Wilkins Villanueva na abot sa 2.82 tons ng dangerous drugs ang kinakailangang sirain.
Facebook Comments