Mahigit 10-M Pilipino, nakumpleto na ang step 2 ng national ID registration

70

Umabot na sa mahigit sampung milyong Pilipino ang nakakumpleto na sa step 2 ng registration process para sa National ID System.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 10,092,022 registrants na ang nakuhanan nila ng biometric information hanggang noong May 21.


Ang mga nakakumpleto sa step 2 ay kinakailangan na lamang hintayin ang pagdating ng kanilang physical ID card at unique PhilSys number (PSN).

Hanggang noong May 15, mahigit 100,000 IDs na ang naipamahagi ng Philippine Postal Corporation.

Facebook Comments