Mahigit 10 million doses ng Pfizer vaccines, dadating sa bansa sa mga susunod na araw

72

Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) ang nakatakdang pagdating sa Pilipinas ng mahigit 10 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO Representative to the Philippines, ang mahigit 2 million doses ng Pfizer na dumating sa bansa kanina ay bahagi lamang ng mahigit 10 million doses.


Ang mga dumating na karagdagang bakuna ng Pfizer at Sinovac ay ibabahagi sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Kabilang dito ang National Capital Region (NCR), Regions 3, 4-A, 7, at 11.

Facebook Comments